Valentine's Day 2012
Simpleng title pero masasakit na eksena sa totoong buhay ang nilalaman.
Natatandaan ko pa kung kailan ako unang nagkaroon ng idea sa kung ano ba dapat ang meron sa special event na yun.
Noong elementary, Simpleng Wienerwurst(Wiener Roast tawag ng mga Pinoy). Noong high school, dedication booth, flower delivery, fabricated love letters, letter para sa sarili (para sa mga pretentious na may suitor sila).
Unang sabak ng mga newbie sa ligawan. Merong nagtatagal, meron din namang seasonal(may maligawan lang, para takaw eksena sa Valentine's Day).
Noon wala akong karapatang magboyfriend. Yun tipong para hindi ka magmukhang abnormal, tomboy o di kaya loveless... Mahalin mo nalang yung sarili mo at sabihing masaya ka kahit hindi naman totoo.
16 ako nung una kong nagka-jowa(offensive term), college na ko nun kaya dun ako nakatikim ng malayang buhay away, away sa super family ko :)). Dahil long-distance relationship kami ng impaktito kong ex-jowa. Mahigit 1 yr. lang ang nakayanan namin ( nakayanan talaga?). Nalimutan ko na kung kailan kami unang nagkita, ang natatandaan ko nalang sa MOA yun @ Burger King. Hindi ko na din sya papangalanan tutal hindi naman ako endorser at hindi din ito twitter para i-mention ko pa sya. I just wanna say thank you nalang sa walang kakwenta-kwentang date you had with me in the past.
Some months ago after, meron na syang kapalit(oh! Di ba parang gamit lang). I met him when I founded a clan. So, malamang founder ako kasi member ko sya eh. Nakalimutan ko na lahat. I started giving up sa bad traits ko. Nagbago na din ako.
From Pasig to Nueva Ecija, he used to travel 4 hours just to be with me. So, effort! EFFORT Di ba!?
EFFORT ang dahilan kung bakit mabilis ma-fall ang tao, sa simpleng effort nakakasilip ng pagmamahal. Since, usapang Puso yung topic natin. Lulubos-lubosin ko na.
Dahil dun mas mabilis ako napamahal sa kanya, mabilis na halos Di ko namalayan na wala din pala syang pinagkaiba sa mga hayop sa ibabaw ng lupa. :( He's an ultimate womanizer, niloloko nya ko ng talikuran. At dahil nga tanga ako, ano ba naman yung patawarin ko sya e hindi naman bawal.
After 3yrs of our relationship he's still the same. Precisely, we remained the same. Manloloko sya, Tanga ako! :))
Ang hirap labanan ng lungkot. Ang hirap palang i-let go ng isang bagay na natutunan mo nang mahalin at pahalagahan :(
Hindi ko alam kung dapat akong matuwa dahil tanggap ko nang hindi nya ako mahal o dapat ba kong malungkot dahil hindi nya ako kayang mahalin.
"ang tunay na pagmamahal walang kasamang panloloko at pagsisinungaling"
Valentine's Day 2012
Araw ng mga puso, find time para bigyan mo naman ng day off yung puso mo. Hindi malaking usapin kung single ka, taken, taken for granted o nakikiuso lang. Ang mahalaga sigurado at masaya ka sa sitwasyong gusto mong pasukan. :)
Para sa mga nagbasa, thank you.
Lagi mong tandaan " isinilang ka upang maging maligaya" (Sabi ni Lolo Mario).
Kung pipiliin mong maging tanga dahil nagmamahal ka tulad ko, choice mo yan.
Subscribe to:
Posts (Atom)

